Hindi birong Dyorni.,,,,,,,,,,,….

Noong nakaraang Mayo 16 hanggang 22 kasama ang mga kabataan ng Parokya ng Sto. Nino de Tondo,, kami ay dumalo sa isang Youth Camp na hindi namin makakalimutan ang saya at kahalagahang dulot nito sa buhay namin bilang isang kabataan….

Baracas Youth Camp,,, ang tawag sa pagtitipon ng mga kabataan ng rehiyong Bicol…. Baracas ay mula sa mga pangalan ng mga lugar ng BAtan, RApu-rapu, CAgraray at San Miguel. Ang salitang ito ay isa ring salitang Bicolano na ang ibig sabihin ay pagsasama at pagsasaya. Ang Baracas Youth Ministry ay itinatag ni Rev. Fr. Tirso “Choi” Gliponeo, SOLT  kasama ang mga paring SOLT noong 2002.

Paano nasali ang mga kabataan ng Tundo sa Baracas Youth Camp gayong ang nasabing camp ay para sa mga kabataan ng rehiyong Bicol????

Siguro masasabi kong mapalad kami dahil kami ay naanyayahan na sumaksi at makiisa sa ginanap na Baracas Youth Camp sa Bayan ng Claveria sa Isla ng Burias, Masbate. Noong sinabi ni Fr. Choi, SOLT, ang aming Youth Minister sa Sto. Nino de Tondo, at siya ring paring tagapangalaga ng Baracas Youth Ministry na kami ay pupunta sa Masbate para sa isang Youth Camp, lahat kami ay excited at atat na atat na magimpake dahil lahat sa amin ay first time na pupunta sa Masbate. Ngunit ang katotohanan ay,,,,, saan kami kukuha ng badyet para makapunta ang mga kabataan sa Masbate?? lakip ang katotohanang kami ay mamamasahe sa jeep, sa bus, sa tricycle, at sa bangka… At dito,,,,,,, dito ko nasabing hindi birong Dyorni ang aming tatahakin.

Nangyari na nga ang dapat mangyari, sa awa at tulong ng Diyos, at sa pamamagitan ni Fr. Choi ay naisakatuparan namin ang pagpapadala ng mga kabataan sa Isla ng Burias. Ilang meetings at planning ang aming ginawa para sa aktibidad na ito dahil kahit kami mismo sa Youth Council ay may pangamba at takot na bumiyahe sa lugar na ni-isa sa amin ay hindi pa nakapupunta.  Mayo 14, 2011, Sabado, ang aming final orientation para sa mga kasali sa Baracas Youth Camp,,dito tinalakay ang lahat ng mga dapat gawin at dalhin sa nasabing camping.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng mga kabataan, ang araw ng kanilang pag-alis, bitbit ang aming pagaalinlangan, nakita namin sa kanilang mga mukha ang excitement sa kanilang pagbiyahe ng mahigit 12 oras. Kami naman na naiwan sa Tundo ay nagpatuloy sa kaniya-kaniyang gawain at sumunod na lamang tatlong araw makalipas ang pag-alis ng mga kabataan sa Tundo. Sa biyahe, naramdaman ko ang pagkabagot, antok, pagod at kaisipang nais ko na lamang bumalik sa Maynila ulit dahil sa layo ng aming biyahe kasabay pa nito ang uri ng bus na aming sinakyan. Umaga na nang kami’y makarating sa bayan ng Ligao sa Albay, sa umpisa, akala ko’y malapit na ang aming destinasyon ngunit napagtanto ko nang sumakay kami ng jeepney patungong bayan ng Pio Duran kung saan naghihintay sa amin ang bangkang aming sasakyan patungong Claveria, ay mahigit sa isang oras pa pala ang aming paglalakbay, sabi sa amin ng isang pasaherong aming nakasabay, naku hindi na kayo aabot sa alis ng bangka sa pier dahil alas nuebe umaalis ang bangka, bukas na ulit ang balik nun”………. Hindi nga nagkamali ang Ale at nagdilang anghel ito nang pagdating namin sa Pier ay kakaalis lang ng bangkang patungong Claveria. Sabayan pa ng aming gutom at malalagkit na katawan ang inis na idinulot nito sa amin. Mabuti na lang at ang aming last minute savior na si Fr. Choi ay nagpadala ng bangka upang kami ay sunduin sa Pio Duran. Sa umpisa’y takot ang aming naramdaman nang aming makita ang bangka dahil sa liit nito sabayan pa  ang katotohanang wala kaming life vest na isusuot. Magtatanghaling tapat nang kami’y magsimulang maglayag patungong Claveria. Maganda ang lugar, tahimik ang dagat at magaganda ang tanawin. Sa kasamaang palad, ako ay nakapuwesto sa bandang likuran ng bangka kung saan nakalagay rin ang tambutso ng motor, sa loob ng halos dalawang oras ay tiniis ko ang usok at init na ibinubuga ng tambutso kasabay pa ang init ng panahon sa tanghaling tapat makarating lang sa isla.

Pagdating ng aming bangka sa daungan ng Claveria, inakala kong malayo pa ang lugar na pinagdadausan ng camp ngunit ang bait ni Lord, sa tabing eskuwelahan lang pala ang lugar-dausan ng aktibidad. Nang makita namin ang aming delegation ay nawala ang aming pagod dahil salamat sa Diyos at maayos ang kanilang kalagayan.

Simula nang araw na iyon ay nakilahok na kami sa mga gawain sa camp gaya ng pagdiriwang ng banal na misa, pagsuporta sa mga kalahok ng Mr and Ms. Baracas 2011, Baracas Pop Idol, Tree Planting, Laro ng Lahi, Santakrusan, Pista sa Nayon at Bareylehan. Marami pang mga gawain ang ginanap sa Baracas Youth Camp ngunit ang inyong mga nabasa ay yaong aking naabutan na lamang pagdating namin sa Isla. Masasabi kong worth it ang aming delegation sa camp dahil karamihan sa mga gantimpala at awards ay aming nakuha tulad na lamang ng Ms. Baracas 2011, Mr. Baracas (1st runner-up), Baracas Pop Idol (Champion), Games of the Generals (Champion), Maria Went to Town (Champion), Mass Demonstration (champion), Reyna Elena 2011, Sultan at Sultana sa Santakrusan, Best in Filipiniana Attire at Cultural Presentation (champion)……………………..Ngunit sa kasamaang palad, ay hindi namin naiuwi ang mga tropeo dahil sa literal na naiwanan ang mga ito sa isla nang kami’y umalis sa Claveria.

maria went to town

Mr. Baracas 1st runner-up and Ms. Baracas 2011

Sultan at Sultana together with Mr and Ms Baracas 2011
Baracas Santakrusan 2011

Dumating na ang pinakhihintay ng lahat ang Pista sa Nayon at Bareylehan,, natural kaya siya hinihintay ng lahat ay dahil sa mga malapiyestang pagkain at salo-salo kasabay ng mga sayawan at kasayahan. Kumbaga sa Maynila it’s party time!!! hehhehe. Yun na rin ang huling gabi ng aming pananatili sa Isla, at iyon na rin ang panahon kung saan kinakailangan nang magpaalam sa mga naging kaibigan, nakatawanan, nakakuwentuhan at naka-dyorni namin. Gayundin sa mga taong nagsilbing mga magulang namin, sa mga nag-alaga at kumalinga sa loob ng isang linggong pamamalagi namin sa Isla ng Burias.  Halos lumalalim na ang gabi at kinakailangan na namin magpahinga dahil ang aming alis sa Isla ay alas singko y media ng umaga at dahil sa takot naming maiwanan muli ng bangka ay nagpasya na kaming huwag tapusin ang bereylehan bagkus tumuloy na lamang kami sa bahay ng aming mga foster parents. Doon kinuha namin ang pagkakataong magpasalamat sa kanilang mabubuting gawa sa amin. Hindi namin sila makakalimutan at kung may pagkakataong kami’y makabalik sa Claveria ay sila ang aming unang pupuntahan.

during the Pista sa Nayon
Sto. Nino delegation with foster parents

Dumating na ang araw ng aming pag-alis,, magkahalong lungkot at saya ang aming nararamdaman dahil sa wakas makakabalik na rin ng Maynila, malungkot dahil sa mga alaala na maiiwan namin sa Claveria, walang nakakaalam sa amin kung makakabalik pa ba kami o hindi na sa isla. Basta ang tanging baon lang namin ay ang mga alaala at mga aral na napulot mula sa mga nag-talk, aktibidad, at sa mga kapwa kabataan na nagbigay inspirasyon upang patuloy kaming maglingkod at magbahagi ng aming mga kakayahan sa kapwa namin kabataan. Gayundin din ang aming pasasalamat sa mga nagorganisa at nanguna upang maging makabuluhan ang programang ito. Maraming Salamat sa inyo hanggang sa muli nating pagkikita-kita hindi man sa Claveria, sana dito sa Maynila at buong galak namin kayong tatanggapin dito sa aming parokya.

Umagang umaga ng Linggo nang kami’y umalis sa Isla ng Burias at simula alas nuebe ng umaga hanggang sa hatinggabi ng araw ding iyon kami ay bumiyahe pabalik ng Maynila. Bakas sa aming mga mukha ang pagod ngunit masayang paglalakbay sa loob ng isang linggo.  Sobrang layo man ng aming ibiniyahe, sobra rin nman ang aming natutunan. Kahit mayroong mga problema bago at habang umuusad ang Baracas Youth Camp, mayroon rin namang mga kasagutang aming nalaman. Kaya nga tulad ng nasabi sa unahan ng blog na ito, hindi birong dyorni ang aming tinahak……………………..

9 thoughts on “Hindi birong Dyorni.,,,,,,,,,,,….

  1. nkakatuwa nmn……..speechless ako dahil kakaiba tlg ang experience n yun….madami di akong nais idagdag peo maxadong mahaba ang ilalahad ko…tnx for sharing yourself… sana lahat ng kabataan ng sto.nino naranasan kung ano man ang nranasan ntin dun….

  2. nakaktuwa nmn….actually speechless ako madami sana akong gustong ibahagi din peo mukhang maxadong haba ang mailalahad ko……tnx for sharing yourself your stories… sana nakasama din ntin ung ibang kabataan ng sto nino…..

  3. in behalf of the BARACAS Youth Ministry: masaya kami na naging parte ang BARACAS Youth Camp sa makabuluhang paglalakbay ng mga piling kabataan sa Parokya ni Sto Niño de Tondo.
    “Speechless” ako sa mga inilahad ni Xeres, coz “we” in the BARACAS youth Ministry also felt the same panghihina, pagkawala ng pasenxa, oras, di pagkakaonawaan sa samahan,etc. lalo na sa pag oorganisa ng BARACAS youth Camp. di kasi biro ang pag oorganisa, sa planning palang, di biro ang pinagdadaanan ng samahan,minsan, may meeting pero konti o walang pupunta, dahil sa kawalan ng oras ng iba at dahil narin sa ibat iba pang bagay na mas binibigyan nila ng halaga.
    Maraming oras na akala namin di na matutuloy ang BARACAS Youth Camp, (problema sa program, facilitator, sa participants, sa venue,transportation, problema sa FUND at marami pang iba.
    Pero sa lahat ng mga pagsubok at problema, di kami pinababayan ng Diyos. Napakabuti NIYA. laging may nakahandang solusyon sa bawat pagsubok na ibinigay, na lalong nag papatatag sa Samahan ng BARACAS Youth Ministry. Wag lng mawawalan ng pananalig sa DIYOS at Pag Asa dahil Mahal ng DIYOS ang kabataan.
    Kaya KABATAAN, MANALIG ka!

  4. ..i am so glad u loved claveria and dat u apreciated our efforts..u made us very happy,ur presence was more than enaf to show us ur support..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s