anu gusto mo maging???????????,.,.,.,.

Psychology,,,, isang salita at kurso sa kolehiyo na masasabi nating “weird” o parang wala lang………………………..

Ngunit ano nga ba talaga ang ating pananaw sa salitang “Psychology”???????????????????

Naaalala ko pa nung nasa kolehiyo ako,., tinanong ko ang mga high school students ng isang public school sa Maynila kung ano ang kukunin nilang kurso sa college.,, may nursing, engineering, may medicine at law pa nga, physical therapy, hotel and Restaurant Management, at iba pang sikat na mga kurso sa ngayon… Pero isa lang ang napansin ko.,.,.,, wala akong narinig sa kanila na “gusto kong kumuha ng kursong Psychology”…..

Sa aking pag-aalinlangan, naisingit ko tuloy sa kanila ang tanong na.,.,. “ayaw niyong mag-psychology???”

Isang lalaking estudyante ang sumagot sa akin ng “ayoko.,.,. pang-babae ang kursong iyan…” sinundan pa ng isang komento ng “ayoko maging baliw,”,,,,,,”aaah yun ba yung kurso na ang pinag-aaralan ay mga baliw?”,,,,, “pag grumaduate ako niyan para akong si madam auring,, manghuhula”,,,, at iba pang mga komento na masasabi ko sa aking sarili na mga pawang kakatwa ngunit may katotohanan rin naman sa kabilang banda………………

Pero paano ko nasabing may katotohanan rin sa kabilang banda ang mga sagot ng mga ito??????

Psychology is a scientific study of human mind and behavior……….

Ako ay nagtapos ng kursong Psychology.,..,.., sa loob ng apat na taong pag-aaral at pagpapadalubhasa sa larangang ito.,.,.,. ay unti-unti ring natanim sa aking isipan ang mga kasagutang ano ba talaga ang Psychology o psychologists??

Noong nasa hayskul rin ako,,, katulad ng mga kabataang aking tinanong,,,,,, ang aking sagot nang tanungin ako tungkol sa kursong ito…. minsan ko pa ngang sinabi na hindi ko kukunin ang ganyang kurso pag ako ay nagcollege na,., Siguro dahil hindi kami well oriented sa larangang ito at hindi pa kami masyado namumulat sa salitang ito,,,,,,,,, dahil sa hayskul naman ay walang asignaturang psychology or elective class na psychology,, di tulad ng math, biology, chemisty, physics, calculus, history, mayroon pang ngang pang computer na asignatura at vocational ngunit ang psychology ay wala…………………………………. Di nagtagal at nagtapos na rin ako ng hayskul at nagpaplano na para sa kursong aking kukunin sa pasukan,,,,,,dahil hindi ko masyadong sineseryoso ang pagpasok ko sa college at wala rin akong career orientation bago grumadweyt hanggang sa dumating ang pagkakataon na mag-eenroll na ako at ng tinanong ako kung ano ba ang kurso ko,., ang sagot ko ay nursing,,,,pero sa kasamaang palad ay hindi ako pumasa sa required na grade ng departamento kaya.,. wala na kong “no choice” kundi ang pumili ng ibang kurso,, dahil marami na rin ang kursong sarado o puno na ang mga slots,, ay nakuha ng aking atensyon ang salitang BS PSYCHOLOGY,, naalala ko bigla ang pinagusapan namin ng aking guro tungkol dito,.,.,., at sa pagmamadali ng admission officer sa window na aking pinipilahan ay nasabi ko biglang “psychology na lang miss” parang isang pagkaing inorder lang sa isang fastfood chain ang pagpili ko ng kurso noon,, na lingid sa aking kaalaman ay magiging landas ko sa pagbuo ng aking kinabukasan………………………………

Sa unang taon sa aking kolehiyo,,, hindi ko pa masyadong nararamdaman ang aking kurso dahil ang mga subjects ko pa ay kapareho rin ng mga subjects ng ibang kurso o yung mga tinatawag na General Education o Gen-ed tulad ng Algebra, Filipino, Logic, Philosophy History, English, PE at iba pa………..at presko pa sa akin ang pagiging high school student at freshman student naman sa college..

Lumipas ang isang taon at nanatili ako sa aking kurso,, dito medyo nararamdaman ko na ang pagiging isang psychology major ko dahil unti-unti na rin akong nagkakaroon ng mga major subjects o specializations tulad ng developmental psychology at theories of personality…. Sa subject na theories of personality,, naalala kong sinabi ng aking propesor na ito ang pinaka-puso ng psychology at ang librong aming gagamitin ang magsisilbing bibliya namin sa propesyong ito dahil dito pinag-aaralan ang pagkakaiba – iba ng tao, ugali at personalidad ng bawat isa…. Sa taong ito ako nagkaroon ng gana na ipagpatuloy ang kursong ito….dahil na rin siguro sa exciting ang mga subjects at nakakarelate ako dahil ang pinakapuno ng aming pinag-aaralan ay ang tao……Dumami ang aming bilang sa kurso dahil sa mga bagsak na PT at nursing students….. Ngunit lingid sa aking kaalaman ay mayroon pa palang mas malalim na pagaalinlangang idudulot ang kursong ito sa akin,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Natapos ko ang ikalawang taon ng masaya, maayos at handa ng harapin ang ikatlong taon ng may lakas ng loob dahil halos lahat ng mga subjects ko ay major na tulad ng experimental psychology, guidance and counseling, abnormal psychology,, statistics for social science, test measurement and evaluation, at psychological testing... Dito rin sa taong ito nagsimula akong mag-ojt sa education setting sa Letran. Sa ikatlong taon ko sa kursong ito nangyari ang isa malaking pag-aalinlangan ko sa aking sarili, sa kapwa at maging sa aking pananampalataya,,.. Sa aking sarili dahil sa mga pagkakataong pinag-aaralan namin ang iba’t ibang personalidad ay hindi ko at ng aking mga kaklase na maiwasan na matamaan o makarelate sa mga mental disorders lalo na sa mga personality disorders na akala naming ayos lang ang aming ugali,, ang aming galaw at pananalita ngunit ito ay uri na pala ng sakit sa pagkatao.Tama nga ang sinabi ng isang psychologist na “the greatest enemy of man is him/her self”. Sa kapwa dahil sa isyu ng socialization at distinction ng tao at hayop. At sa pananampalataya naman dahil sa pagkakahiwalay ng siyensya at relihiyon…. Nasabi ko ito dahil habang pinag-aaralan ko ang kursong ito ay nagsisilibi naman ako sa aming simbahan,, at dito naman sa simbahan itinuturo ang tungkol sa aming pananampalataya. Nakakalito,, nakakahilo,, nakakasakit ng ulo isipin na ang mga bagay na pareho kong pinag-aaralan at minamahal ay magkataliwas ang nais ipa-ibig-sabihin sa akin ng kanilang mga doktrina, prinsipyo at teorya,… Ngunit habang patuloy kong tinatahak ang ganitong suliranin,,,, ay naalala ko ang sinabi ng aking propesor tungkol sa isyu ng relihiyon at sikolohiya na “when religion ends,,, psychology will start and when psychology ends,,, religion will start” napakahirap bigyan kahulugan ang linyang iyon ngunit nalaman ko lang ang kasagutan dito nang ako ay makagradweyt sa kursong ito…. Binalak ko ng lumipat ng kurso dahil sa kalituhan at mga pag-aalinlangan ngunit lumipas ang taong iyon na nakalutang ang  desisyong ito…..

Dumating ang huling taon ko sa kursong ito at sabi ko sa aking sarili’y “yes, isang taon na lang at matatapos na din…. At sa pagkakataong ito masasabi ko na talagang isa na talaga akong psychology major sabayan pa ang damit naming kulay puti na ang bawat isa sa amin ay takot umupo at sumandal sa upuang kahoy na may bahid alikabok at dumi…… may iba pa nga sa aming may dalang sariling basahan para linisin ang mga upuang kanilang uupuan at sasandalan…. Graduating students,,, yan ang tawag sa aming mga malapit na grumaduate.,., masarap pakinggan ngunit mahirap patunayan.,.,.,,., sa taong ito ko kinuha ang mga natitirang major subjects ko tulad ng clinical psychology, social psychology, industrial psychology, Filipino Psychology, mga education subjects gaya ng foundations of education 1 and 2 at Methods and principles of teaching at higit sa lahat,,,,, ang Methods of Research 1 and 2 o ang tinatawag na thesis……….Isang taon at huling taon ng hirap,, pagsusunog ng kilay,, at pagbibigay atensyon sa mga bagay na may kinalaman sa salitang psychology ang aking pinag-ukulan ng pansin…..kasabay pa nito ang pagpapracticum ko sa larangan ng medisina o clinical setting sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong o sa mas kilala nating Mental Hospital at sa mundo ng industriya o Industrial setting………. Sa taon ding ito unti-unting nahubog ang aking pagkatao at personalidad base sa mga napag-aralan ko noong ako’y nasa mababang taon pa lamang,,,, ngunit dito naman nasubok ang tatag ng aking pananampalataya at pinaniniwalaan ng sabihin ng aking propesor sa subject na social psychology na “the greatest goal of man is to satisfy his needs and wants” sa maikling paliwanag o sa malasikolohiyang paliwanag,,,,,,ginagawa ng tao ang lahat ng bagay dahil ginusto niya ito at upang masiyahan siya sa kaniyang mga kagustuhan.. kahit ang mga bagay na kinaaayawan mo ay ginusto mo pa rin dahil nasisiyahan ka o nasasatisfy mo ang iyong needs and wants. sa ganitong paraan humaba ang aming argumento dahil kami mismo ay hindi naniniwala sa prinsipyo o teoryang ito.,., may mga nagmungkahi ng halimbawa ngunit iisa pa rin ang sagot,,,, ginawa mo iyon dahil ginusto mo at dahil di mo yan gagawin pag di mo gusto,.,.,.,hanggang umabot kami sa punto na pati ang aming pananampalataya ay nasubukan nangg tanungin kami kung bakit si Kristo ay ipinako sa krus? natural ang sagot namin ay para iligtas sa mga kasalanan kaya niya isinakripisyo ang kanyang buhay ngunit ang tanging sagot lamang ng sikolohiya ay ganito.,, ginawa niya iyon dahil ginusto niya at nasasatisfy niya ang needs and wants,,nagsakripisyo siya dahil ginusto niya iyon para masatisfy siya…. napag-isip isip ako sa pagkakataong ito dahil may punto nga naman ngunit hindi ko matanggap ang nagtatagong katotohanan sa mundo ng sikolohiya na may ganoon pa lang mga prinsipyo na ang hirap tanggapin..Sabi nga ni Carl Jung “the most terrifying thing is to accept oneself completely”… hanggang sa natapos ang aming diskusyon na ang prinsipyong ito ay tumatalakay sa pagiging self-centered at madamot ng tao o issue of selfishness. Tinago ko ang katotohanang ito hanggang sa aking pagtatapos…..

Dumating na nga ang panahon ng pagtatapos at ang katotohanang ako ay papasok na sa bagong pagsubok,,, ang realidad ng mundo,, ang paghahanap ng trabaho…. Sinabi ko sa aking sarili na ang magiging trabaho ko ay naaayon sa aking pinag-aralan ngunit ang hirap pa lang maghanap ng ganoong trabaho… Sa kabutihang palad,,, nakakuha ako ng maganda-gandang trabahong naaayon sa aking kagustuhan.,.,,.at habang naglalakbay ako sa realidad ng buhay,,, ang mga bagay at tanong na naitago ko sa aking kaisipan noong ako’y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo ay nagkaroon ng kasagutan mula sa pag-aalinlangan sa sarili,, sa kapwa hanggang sa pagpapatibay ng aking pananampalataya at propesyong aksidenteng kong pinili….

 

 

 

Ngayon ko napatunayan na may pawang katotohanan nga ang narinig kong sagot ng mga kabataang aking tinanong..,.,.,.,.,,”ayaw ninyong mag psychology?”

-“ayoko.,.,. pang-babae ang kursong iyan…”  dahil karamihan sa mga kumukuha ng kursong ito sa kasalukuyang panahon ay mga kababaihan lamang… bibihira sa mga lalaking katulad ko ang nagtatapos sa ganitong kurso…

- “ayoko maging baliw,”,,dahil isa sa mga pinag-aaralan dito ay tungkol sa mga sakit sa pag-iisip o mental disorders na sa mas maiintidihan nating salita ay mga abnormalidad……… sabayan pa na nakakabaliw talaga ang kursong ito kung ikaw mismo ay hindi marunong mag-isip,umintindi at lawakan ang pang-unawa sa mga katotohanang minsan ay hindi natin magawang tanggapin…. Sa madaling salita,, kailangan ng malawak na pang-unawa sa sarili at sa kapwa upang makatapos at maka-survive sa kursong ito.

 - “aaah yun ba yung kurso na ang pinag-aaralan ay mga baliw?”,,,,  totoo! dahil ang sentro ng pag-aaral ay tungkol sa pag-uugali,,personalidad at pagkakaiba-iba ng tao at ang mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pag-uugali at personalidad ay tinatawag ng mga karaniwang tao na “BALIW”……

 - “pag grumaduate ako niyan para akong si madam auring,,,,, manghuhula”,,,,OO! dahil ikaw mismo ang huhula ng iyong kinabukasan base sa iyong pinag-aralan at natutunan………..

Sa isang pila sa window ng admission officer noong ako’y nag-eenroll,,, sa isang mabilis at parang umoorder lang ng pagkain sa isang fast food chain nang piliin ko ang aking kurso,, sa isang hindi siguradong desisyon ay nakita ko ang nais kong propesyon at landas na nais kong tahakin.. Because everything happens for a purpose and that’s what we call “life”.  and all i can say is .,.,.,.,. masaya ako sa kursong kinuha ko dahil dito ko nakilala,,,nalaman at napag-lago ang aking sarili……………………….. Ika nga ng isang sikat na psychologist,,, “Follow that will and that way which experience confirms to be your own.”………….

About these ads

10 thoughts on “anu gusto mo maging???????????,.,.,.,.

  1. Nagreresearch ako para sa Career Orientation na gaganapin sa school namin tapos nakita ko ‘tong gawa mo. Ask ko lang kung pwede bang kunin as one of our sources kasi Psychology yung napili ng group namin for our Dep Ed project this coming December. Thank you and don’t worry bibigyan ka ng credit. :)

    • Sorry for my very late reply,,i wasn’t able to visit my blog page kaya ndi q agad nabasa ang invitation mo,., salamt sa pagconsider mo sa blog q for ur career orientation nio, i hope it helped alot,, =)

  2. kuya~ hello po…pinagiisipan ko rin po kasi ang isang maging psychologist.. kasi po sabi nila , walang patutunguhan ang course na ito. pero para naman po sa akin perfect ang course na psychology~! Ang tanong ko po eh, saan po ba ako pwedeng mag apply na trabaho kapag nakatapos na po ako ng psychology? pwede po ba akong mag apply being kindergarten teacher?? paki sagot po~ =)

    • sorry for late reply,, oo naman pdeng pde kng mging preschool teacher kahit ang course mo ay psychology,, malaki ang demand ng psychology ngaun s panahon natin.,. kapag graduate k ng psychology maaari kang magapply sa clinical setting as a psychometrician or clinical psychologist (provided na magpupursue k ng higher studies leading to medicine), sa school setting at teacher for both elementary at high school, psychometrician at guidance counselor, s industrial naman pde k magapply as Human Resource Assistant for Traning, Recruitment at Compensation and Benefits,, qng mahilig k naman s ibang bagay pde k rn magapply as a researcher ng mga company,, maraming field ang pdeng pnthan ng isang psych graduate especially ngaun,, my mga board exams na ang psychology,, (we have 3 board exams for psychology graduate, board for Psychometrician kapag graduate k ng college at Board Professional Psychologist at Guidance Counselor for Graduate ng Masteral)…=)

    • gud day.,. meron pong math,, lahat naman ng course s subject ay my math,,, pero s curriculum ng psychology,, usually, algebra,trigonometry at statistics ang pinagaaralan which is related s course ng psychology more especially s research,.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s