I Love My Devotion!!! =)

20120519-BACLARAN-D80-0012-133 Miyerkules ay karaniwan din nating tinatawag na “Baclaran Day” dahil para sa mga Katolikong Pilipinong katulad ko, ito ay araw ng debosyon para sa Ina ng Laging Saklolo (Our Mother of Perpetual Help),  kung saan ang kaniyang Pambansang Dambana (National Shrine) ay matatagpuan sa Baclaran Church, sa Lungsod ng Paranaque.

1360761327-season-of-lent-begins-with-ash-wednesday-in-baclaran-church-paraaque_1793218

575945_460361563987666_1848343845_n1

Tuwing Miyerkules ng buong taon ay libo-libong tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa, katayuan sa buhay at edad (bata, kabataan, matanda, mahirap, maykaya, mayaman) ang bumibisita sa harapan ng imahe o larawan ng Mahal na Birhen lakip ang kanilang mga  panalangin, naisin, pasasalamat at panaghoy sa buhay. Maaaring ang ganitong mga gawain ay tuwirang hindi matanggap o hindi maintindihan ng ating mga kapatid sa ibang pananampalataya  kung bakit tayo nagkakaroon ng mga debosyong tulad nito. download   MPHelpPic images Isa ako sa libo-libo nating mga kababayan at kapatid na mayroong malalim na debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Maaaring ang bawat isa ay may iba-iba at kaniya-kaniyang mga dahilan kung bakit sila nagdedebosyon sa Mahal na Ina, may iba’t ibang uri rin ng debosyon; may ibang nagdedebosyon dahil may mga kahilingang hinihingi, yung iba naman ay nagdedebosyon dahil  nagpapasalamat sa mga kahilingan at panalanging ipinagkaloob sa kanila at may mga deboto ring nagdedebosyon bunga ng kanilang matinding pagmamahal at katapatan sa santo o santang pinipita.

Bawat isa sa libo-libong deboto ng Mahal na Ina ay may kaniya kaniyang istorya at karanasan sa kanilang buhay na nakapiling nila ang mapagkalinga at mapag-arugang pagmamahal ng Mahal na Ina.

images (1) images (2)

 

 

 

 

Ako rin bilang isang deboto ay may dahilan kung bakit tuwing Miyerkules ay dumadalaw ako sa Mahal na Birheng Maria sa Baclaran Church, at ito ay hindi dahil sa mga kahilingang nais kong ibulong sa kaniya bagkus ito ay dahil sa malalim kong pagmamahal sa kaniya.

Sa tuwing bumibisita ako sa kaniyang dambana, ay nararamdaman kong para akong nasa aming bahay kung saan makikita ko ang aking mama na nakaupo sa aming salas, magtatanong kung kumain ka na o nagugutom ka ba??. Sa tuwing nasa dambana ako ng Mahal na Ina ay sapat na para maramdaman at maranasan ko ang kaniyang mapagkalinga at mapag-arugang pagmamahal.  Sa kaniyang dambana ko rin nararamdaman na may isa pa pala akong nanay na lubos na nagmamahal sa kaniyang mga anak. Ito lang ang aking dahilan kung bakit tuwing Miyerkules ay pinipilit ko sa abot ng aking makakaya na makapunta at makabisita man lamang kahit sandali sa kaniyang dambana at magkaroon ng debosyon sa kaniya.

images (4)

 

Ngunit teka,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,, may isa pa pala akong mahalagang dahilan kung      bakit ako pumupunta sa kaniya,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

 

Ito ay para ipanalangin na tulad niya, turuan niya ako maging mapagkumbaba at masunurin sa kalooban ng Diyos at sa pamamagitan niya ay mailapit ako sa kaniyang anak na buhay na buhay sa Banal na Sakramento ng Misa.

download (1)

mother-of-the-blessed-sacrament

download (2)

Maaaring  sa pagbasa mo ng blog na ito ay sumagi sa iyong isipan ang iba’t ibang kaisipan at reaksyon tungkol sa aking pagninilay, Ika nga ng isang pari na nagtanong sa isang deboto kung ano ang ibig sabihin ng kanilang ginagawang pagdedebosyon sa isang santo o santa,, sa isang simpleng sagot na  “hindi mo mauunawaan ang aming ginagawang debosyon maliban na lamang kung ikaw mismo ay deboto”

roman_catholic_devotee-r3fde4084956f457ea716adbad1437338_804gs_324

Nawa ang ating debosyon, ay maging isang tunay na “debosyon” na bunga ng matinding pagmamahal, at hindi debosyon dahil mayroong tayong hinihiling o request sa Diyos. Tunay na mas lalalim ang ating debosyon kung ito ay mula sa pagmamahal at magbubunga ng pagmamahal sa kapwa. At higit sa lahat nawa’y ang ating pagpipita ay maghikayat at magturo sa atin ng daan tungo sa mas malalim na pagmamahal o debosyon sa Banal na Eukaristiya, ang pinakamataas na uri ng panalangin na kung saan ay hindi lang natin kapiling bagkus tinatanggap natin si Hesus na ating kapatid at nag-iisang dahilan ng ating pagdedebosyon sa Mahal na Ina.

images (3)

Hari ng Tondo!!!

“Kahit sa patalim kumapit isang tuka isang kahig ang may mga kamay na bahid ng galit kasama sa buhay ng minana isang maling akala na ang taliwas na minsan ay tama ang hari ng tondo.,.,. hari ng tondo.,.baka mabansagan ka ng hari ng tondo,.,.hari ng tondo.,. hari ng tondo.,.baka mabansagan ka ng hari ng tondo!”

 

Ang mga katagang ito mula sa kantang Hari ng Tundo ni Gloc-9 ang umalingaw-ngaw sa bawat kalsada at kanto ng Tundo nitong nakaraang pista. Dala na rin marahil ng impluwensiya ng kantang ito ang kakatapos pa lamang na pelikulang “The Manila Kingpin” na patungkol sa buhay ni Asiong Salonga, ang kilalang kilabot at siga ng Tundo ng kaniyang kapanahunanan at binansagan ng nakararami na “Hari ng Tundo”.

Ngunit para sa mga taga Tundong tulad ko at ni Asiong, sino nga ba ang tunay na hari ng Tundo?

 

 

Kilala ang Tundo na lugar ng mga siga at matatapang dahil siguro sa mga gangs, rayot at iba pang kaguluhan. Kilala rin ito sa buong mundo bilang “the most dense and populous district in the world”.Kung iyong napanood o mapapanood ang pelikulang “Manila Kingpin”, ipinakita ang Tundo bilang isang lugar kung saan ang kahirapan, gulo, away at patayan ay isang normal na bagay at kasabay na ng buhay ng mga tao roon. Isang pangit na mukha at katotohanang bumabalot sa salitang “Tondo” ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang isang maganda at kaaya-ayang katangiang ipinagmamamalaki ng mga tao roon, ang pagiging relihiyoso at natatanging debosyon sa Sto. Niño, ang kanilang patron at tunay na Hari ng Tundo!

Nitong bisperas ng Pista habang ginaganap ang Lakbayaw Festival ay napansin ko sa isa sa mga poster o tarpaulin ang imahe ng Sto. Niño de Tondo na may nakasulat na “ito ang Hari ng Tundo”. Naisip ko tuloy na sa kabila ng kahulugan ng kantang ito na kung iyong pakikinggan, kapag sinabing “ikaw ang Hari ng Tundo”, ikaw ang kinatatakutan, iniilagan, iniiwasan at ang pinakamatapang sa Tundo, ngunit sa aking pagninilay nang makita ko ang poster na iyon ay kabaligtaran pala ang nais ipakahulugan ng larawang iyon, na ang katangian ng tunay na Hari (ng Tundo) ay ang larawan ng kababaang loob, kapayakan, kahinaan at kamusmusan na walang iba kundi ang Sto. Niño, ang batang si Hesus.

Nakatutuwang isipin na ang lugar ng mga siga, matatapang, walang kinatatakutan at inaatrasan ay may malaking debosyon at pananampalataya sa isang bata na larawan ng kamusmusan, kapayakan, at kababaang loob. Isang patunay lamang na ang pagmamahal ng mga taga Tundo sa kanilang patron, ang Sto. Niño, ay makikita hindi lang tuwing pista bagkus sa kanilang araw-araw na pamumuhay na kahit sa dami ng suliranin tulad ng kaguluhan at kahirapan ay makikita sa mga mukha at buhay ng mga taga Tundo ang pagiging masayahing tulad ng isang bata. Nawa’y tulad ng ating mahal na patrong Sto.Niño, ang hari ng Tundo, maging hari rin tayo sa kapakumbabaan, kapayakan, kagandahang loob at kahandaang maglingkod sa Diyos at sa simbahan.

 

 

 

 

Masining na Pagpapahayag; Tanda ng pagrespeto at paggalang

“Sining”, isang salitang nagpapahayag ng kagandahan o “beauty”. Iba-iba ang uri nito, nandiyan ang sining sa pagsusulat, pag-guhit, pag-awit, pagdudula o pag-arte, pagdidisenyo at maging ang pag-iisip ay isa rin uri ng sining (art of thinking). Madalas din natin itong makikita sa mga museo,  eksibisyon at tanghalan ng sining at iba pang lugar o dausan na may kinalaman sa sining. Ngunit ang hindi natin batid na ang sining pala ay makikita rin sa lahat ng paligid; sa tahanan, sa paaralan, sa trabaho, sa simbahan at sa komunidad. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng sining at paano ba ito ipinahahayag?

Kamakailan lang ay naging isang malaking usap-usapan o isyu sa ating lipunan ang balita ukol sa masining na pagpapahayag o “art expression” bunsod na rin ng kontrobersyal na eksibit ni Ginoong Mideo Cruz sa isang silid-sining sa CCP. Mayroong umani ng papuri at mayroon rin namang naging hindi maganda ang reaksyon lalo na ang mga Pilipinong Katoliko. “Ito ay isang uri ng masining na pagpapahayag; ang sining ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw tungkol sa mundo, kultura at kasaysayan at ito ang ginagawa ko sa aking trabaho” ito ang winika ni Mideo Cruz at nais ipabatid ng mga nag-organisa ng eksibit ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang masining na pagpapahayag ay pagpapahayag rin ng KAGANDAHAN, PAGGALANG at PAGHANGA sa isang aspeto o bagay.

Sa aking palagay, sa pagkakataong ito, hindi ito ang nais ipabatid sa atin ng mga larawang nakalagay sa isang eksibit, na kung saan makikita roon ang ilang mga imahe ni Hesukristo at Maria na nilapatan ng hindi magagandang uri ng larawan at bagay maging ang mga bagay na itinuturing nating sagrado o banal tulad ng rosaryo ay ginamit rin sa hindi magandang paraan. Isa itong indikasyon ng hindi paggalang at pagrespeto sa Simbahang Katoliko at maging sa mga kristiyanong katoliko.

Ang mga bagay na ito ba ay masasabi nating isang uri ng sining o masining na pagpapahayag?

Nagpapakita ba ito ng kagandahan, paggalang o pagrespeto at paghanga sa isang bagay o aspeto?

 

Sa aking pananaw, hindi ito nagpapakita ng mga nasabing katangian ng sining at hindi rin ito nagpapahayag ng isang masining na kaisipan bagkus paninira at pag-aalipusta sa mga bagay o kultura na iginagalang ng karamihan sa atin. Samakatuwid, ang mga bagay na sinasabi nilang makasining na kaisipan ay paglabag sa isang malayang pagpapahayag ng damdamin (freedom of expression) dahil ang mga nilalaman ng nasabing eksibit ay isang uri ng paninira, kalaswaan at sensitibo sa ispiritwal at kulturang aspeto ng pangkalahatang katawan ng mga tao.

Nawa’y ang sining ay gamitin natin bilang isang instrumento sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita nang sa ganon ay magbunga ito sa mas ikagaganda at ikabubuti ng nakararami.Sa tulong at awa ng ating Mahal na Patrong si Santo Niño, asahan ninyo ang aming panalangin sa mga mapanghusgang kaisipan sa mundo.


anu gusto mo maging???????????,.,.,.,.

Psychology,,,, isang salita at kurso sa kolehiyo na masasabi nating “weird” o parang wala lang………………………..

Ngunit ano nga ba talaga ang ating pananaw sa salitang “Psychology”???????????????????

Naaalala ko pa nung nasa kolehiyo ako,., tinanong ko ang mga high school students ng isang public school sa Maynila kung ano ang kukunin nilang kurso sa college.,, may nursing, engineering, may medicine at law pa nga, physical therapy, hotel and Restaurant Management, at iba pang sikat na mga kurso sa ngayon… Pero isa lang ang napansin ko.,.,.,, wala akong narinig sa kanila na “gusto kong kumuha ng kursong Psychology”…..

Sa aking pag-aalinlangan, naisingit ko tuloy sa kanila ang tanong na.,.,. “ayaw niyong mag-psychology???”

Isang lalaking estudyante ang sumagot sa akin ng “ayoko.,.,. pang-babae ang kursong iyan…” sinundan pa ng isang komento ng “ayoko maging baliw,”,,,,,,”aaah yun ba yung kurso na ang pinag-aaralan ay mga baliw?”,,,,, “pag grumaduate ako niyan para akong si madam auring,, manghuhula”,,,, at iba pang mga komento na masasabi ko sa aking sarili na mga pawang kakatwa ngunit may katotohanan rin naman sa kabilang banda………………

Pero paano ko nasabing may katotohanan rin sa kabilang banda ang mga sagot ng mga ito??????

Psychology is a scientific study of human mind and behavior……….

Ako ay nagtapos ng kursong Psychology.,..,.., sa loob ng apat na taong pag-aaral at pagpapadalubhasa sa larangang ito.,.,.,. ay unti-unti ring natanim sa aking isipan ang mga kasagutang ano ba talaga ang Psychology o psychologists??

Noong nasa hayskul rin ako,,, katulad ng mga kabataang aking tinanong,,,,,, ang aking sagot nang tanungin ako tungkol sa kursong ito…. minsan ko pa ngang sinabi na hindi ko kukunin ang ganyang kurso pag ako ay nagcollege na,., Siguro dahil hindi kami well oriented sa larangang ito at hindi pa kami masyado namumulat sa salitang ito,,,,,,,,, dahil sa hayskul naman ay walang asignaturang psychology or elective class na psychology,, di tulad ng math, biology, chemisty, physics, calculus, history, mayroon pang ngang pang computer na asignatura at vocational ngunit ang psychology ay wala…………………………………. Di nagtagal at nagtapos na rin ako ng hayskul at nagpaplano na para sa kursong aking kukunin sa pasukan,,,,,,dahil hindi ko masyadong sineseryoso ang pagpasok ko sa college at wala rin akong career orientation bago grumadweyt hanggang sa dumating ang pagkakataon na mag-eenroll na ako at ng tinanong ako kung ano ba ang kurso ko,., ang sagot ko ay nursing,,,,pero sa kasamaang palad ay hindi ako pumasa sa required na grade ng departamento kaya.,. wala na kong “no choice” kundi ang pumili ng ibang kurso,, dahil marami na rin ang kursong sarado o puno na ang mga slots,, ay nakuha ng aking atensyon ang salitang BS PSYCHOLOGY,, naalala ko bigla ang pinagusapan namin ng aking guro tungkol dito,.,.,., at sa pagmamadali ng admission officer sa window na aking pinipilahan ay nasabi ko biglang “psychology na lang miss” parang isang pagkaing inorder lang sa isang fastfood chain ang pagpili ko ng kurso noon,, na lingid sa aking kaalaman ay magiging landas ko sa pagbuo ng aking kinabukasan………………………………

Sa unang taon sa aking kolehiyo,,, hindi ko pa masyadong nararamdaman ang aking kurso dahil ang mga subjects ko pa ay kapareho rin ng mga subjects ng ibang kurso o yung mga tinatawag na General Education o Gen-ed tulad ng Algebra, Filipino, Logic, Philosophy History, English, PE at iba pa………..at presko pa sa akin ang pagiging high school student at freshman student naman sa college..

Lumipas ang isang taon at nanatili ako sa aking kurso,, dito medyo nararamdaman ko na ang pagiging isang psychology major ko dahil unti-unti na rin akong nagkakaroon ng mga major subjects o specializations tulad ng developmental psychology at theories of personality…. Sa subject na theories of personality,, naalala kong sinabi ng aking propesor na ito ang pinaka-puso ng psychology at ang librong aming gagamitin ang magsisilbing bibliya namin sa propesyong ito dahil dito pinag-aaralan ang pagkakaiba – iba ng tao, ugali at personalidad ng bawat isa…. Sa taong ito ako nagkaroon ng gana na ipagpatuloy ang kursong ito….dahil na rin siguro sa exciting ang mga subjects at nakakarelate ako dahil ang pinakapuno ng aming pinag-aaralan ay ang tao……Dumami ang aming bilang sa kurso dahil sa mga bagsak na PT at nursing students….. Ngunit lingid sa aking kaalaman ay mayroon pa palang mas malalim na pagaalinlangang idudulot ang kursong ito sa akin,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

Natapos ko ang ikalawang taon ng masaya, maayos at handa ng harapin ang ikatlong taon ng may lakas ng loob dahil halos lahat ng mga subjects ko ay major na tulad ng experimental psychology, guidance and counseling, abnormal psychology,, statistics for social science, test measurement and evaluation, at psychological testing... Dito rin sa taong ito nagsimula akong mag-ojt sa education setting sa Letran. Sa ikatlong taon ko sa kursong ito nangyari ang isa malaking pag-aalinlangan ko sa aking sarili, sa kapwa at maging sa aking pananampalataya,,.. Sa aking sarili dahil sa mga pagkakataong pinag-aaralan namin ang iba’t ibang personalidad ay hindi ko at ng aking mga kaklase na maiwasan na matamaan o makarelate sa mga mental disorders lalo na sa mga personality disorders na akala naming ayos lang ang aming ugali,, ang aming galaw at pananalita ngunit ito ay uri na pala ng sakit sa pagkatao.Tama nga ang sinabi ng isang psychologist na “the greatest enemy of man is him/her self”. Sa kapwa dahil sa isyu ng socialization at distinction ng tao at hayop. At sa pananampalataya naman dahil sa pagkakahiwalay ng siyensya at relihiyon…. Nasabi ko ito dahil habang pinag-aaralan ko ang kursong ito ay nagsisilibi naman ako sa aming simbahan,, at dito naman sa simbahan itinuturo ang tungkol sa aming pananampalataya. Nakakalito,, nakakahilo,, nakakasakit ng ulo isipin na ang mga bagay na pareho kong pinag-aaralan at minamahal ay magkataliwas ang nais ipa-ibig-sabihin sa akin ng kanilang mga doktrina, prinsipyo at teorya,… Ngunit habang patuloy kong tinatahak ang ganitong suliranin,,,, ay naalala ko ang sinabi ng aking propesor tungkol sa isyu ng relihiyon at sikolohiya na “when religion ends,,, psychology will start and when psychology ends,,, religion will start” napakahirap bigyan kahulugan ang linyang iyon ngunit nalaman ko lang ang kasagutan dito nang ako ay makagradweyt sa kursong ito…. Binalak ko ng lumipat ng kurso dahil sa kalituhan at mga pag-aalinlangan ngunit lumipas ang taong iyon na nakalutang ang  desisyong ito…..

Dumating ang huling taon ko sa kursong ito at sabi ko sa aking sarili’y “yes, isang taon na lang at matatapos na din…. At sa pagkakataong ito masasabi ko na talagang isa na talaga akong psychology major sabayan pa ang damit naming kulay puti na ang bawat isa sa amin ay takot umupo at sumandal sa upuang kahoy na may bahid alikabok at dumi…… may iba pa nga sa aming may dalang sariling basahan para linisin ang mga upuang kanilang uupuan at sasandalan…. Graduating students,,, yan ang tawag sa aming mga malapit na grumaduate.,., masarap pakinggan ngunit mahirap patunayan.,.,.,,., sa taong ito ko kinuha ang mga natitirang major subjects ko tulad ng clinical psychology, social psychology, industrial psychology, Filipino Psychology, mga education subjects gaya ng foundations of education 1 and 2 at Methods and principles of teaching at higit sa lahat,,,,, ang Methods of Research 1 and 2 o ang tinatawag na thesis……….Isang taon at huling taon ng hirap,, pagsusunog ng kilay,, at pagbibigay atensyon sa mga bagay na may kinalaman sa salitang psychology ang aking pinag-ukulan ng pansin…..kasabay pa nito ang pagpapracticum ko sa larangan ng medisina o clinical setting sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong o sa mas kilala nating Mental Hospital at sa mundo ng industriya o Industrial setting………. Sa taon ding ito unti-unting nahubog ang aking pagkatao at personalidad base sa mga napag-aralan ko noong ako’y nasa mababang taon pa lamang,,,, ngunit dito naman nasubok ang tatag ng aking pananampalataya at pinaniniwalaan ng sabihin ng aking propesor sa subject na social psychology na “the greatest goal of man is to satisfy his needs and wants” sa maikling paliwanag o sa malasikolohiyang paliwanag,,,,,,ginagawa ng tao ang lahat ng bagay dahil ginusto niya ito at upang masiyahan siya sa kaniyang mga kagustuhan.. kahit ang mga bagay na kinaaayawan mo ay ginusto mo pa rin dahil nasisiyahan ka o nasasatisfy mo ang iyong needs and wants. sa ganitong paraan humaba ang aming argumento dahil kami mismo ay hindi naniniwala sa prinsipyo o teoryang ito.,., may mga nagmungkahi ng halimbawa ngunit iisa pa rin ang sagot,,,, ginawa mo iyon dahil ginusto mo at dahil di mo yan gagawin pag di mo gusto,.,.,.,hanggang umabot kami sa punto na pati ang aming pananampalataya ay nasubukan nangg tanungin kami kung bakit si Kristo ay ipinako sa krus? natural ang sagot namin ay para iligtas sa mga kasalanan kaya niya isinakripisyo ang kanyang buhay ngunit ang tanging sagot lamang ng sikolohiya ay ganito.,, ginawa niya iyon dahil ginusto niya at nasasatisfy niya ang needs and wants,,nagsakripisyo siya dahil ginusto niya iyon para masatisfy siya…. napag-isip isip ako sa pagkakataong ito dahil may punto nga naman ngunit hindi ko matanggap ang nagtatagong katotohanan sa mundo ng sikolohiya na may ganoon pa lang mga prinsipyo na ang hirap tanggapin..Sabi nga ni Carl Jung “the most terrifying thing is to accept oneself completely”… hanggang sa natapos ang aming diskusyon na ang prinsipyong ito ay tumatalakay sa pagiging self-centered at madamot ng tao o issue of selfishness. Tinago ko ang katotohanang ito hanggang sa aking pagtatapos…..

Dumating na nga ang panahon ng pagtatapos at ang katotohanang ako ay papasok na sa bagong pagsubok,,, ang realidad ng mundo,, ang paghahanap ng trabaho…. Sinabi ko sa aking sarili na ang magiging trabaho ko ay naaayon sa aking pinag-aralan ngunit ang hirap pa lang maghanap ng ganoong trabaho… Sa kabutihang palad,,, nakakuha ako ng maganda-gandang trabahong naaayon sa aking kagustuhan.,.,,.at habang naglalakbay ako sa realidad ng buhay,,, ang mga bagay at tanong na naitago ko sa aking kaisipan noong ako’y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo ay nagkaroon ng kasagutan mula sa pag-aalinlangan sa sarili,, sa kapwa hanggang sa pagpapatibay ng aking pananampalataya at propesyong aksidenteng kong pinili….

 

 

 

Ngayon ko napatunayan na may pawang katotohanan nga ang narinig kong sagot ng mga kabataang aking tinanong..,.,.,.,.,,”ayaw ninyong mag psychology?”

-“ayoko.,.,. pang-babae ang kursong iyan…”  dahil karamihan sa mga kumukuha ng kursong ito sa kasalukuyang panahon ay mga kababaihan lamang… bibihira sa mga lalaking katulad ko ang nagtatapos sa ganitong kurso…

- “ayoko maging baliw,”,,dahil isa sa mga pinag-aaralan dito ay tungkol sa mga sakit sa pag-iisip o mental disorders na sa mas maiintidihan nating salita ay mga abnormalidad……… sabayan pa na nakakabaliw talaga ang kursong ito kung ikaw mismo ay hindi marunong mag-isip,umintindi at lawakan ang pang-unawa sa mga katotohanang minsan ay hindi natin magawang tanggapin…. Sa madaling salita,, kailangan ng malawak na pang-unawa sa sarili at sa kapwa upang makatapos at maka-survive sa kursong ito.

 - “aaah yun ba yung kurso na ang pinag-aaralan ay mga baliw?”,,,,  totoo! dahil ang sentro ng pag-aaral ay tungkol sa pag-uugali,,personalidad at pagkakaiba-iba ng tao at ang mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pag-uugali at personalidad ay tinatawag ng mga karaniwang tao na “BALIW”……

 - “pag grumaduate ako niyan para akong si madam auring,,,,, manghuhula”,,,,OO! dahil ikaw mismo ang huhula ng iyong kinabukasan base sa iyong pinag-aralan at natutunan………..

Sa isang pila sa window ng admission officer noong ako’y nag-eenroll,,, sa isang mabilis at parang umoorder lang ng pagkain sa isang fast food chain nang piliin ko ang aking kurso,, sa isang hindi siguradong desisyon ay nakita ko ang nais kong propesyon at landas na nais kong tahakin.. Because everything happens for a purpose and that’s what we call “life”.  and all i can say is .,.,.,.,. masaya ako sa kursong kinuha ko dahil dito ko nakilala,,,nalaman at napag-lago ang aking sarili……………………….. Ika nga ng isang sikat na psychologist,,, “Follow that will and that way which experience confirms to be your own.”………….

ang sarap ng feeling diba pag tayo’y sama sama……………

March 14, 2010, araw ng linggo, isang araw na masasabi ko sa ngayon na isa sa hindi ko makakalimutang petsa sa buhay ko.,.,., bakit?.,,,, .,. dahil ba sa ito ang araw na sinagot ako ng babaeng nililigawan ko?………., dahil ba ito ang unang araw sa unang trabaho ko?….dahil ba birthday ko??.,,,,.,

hindi.,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,..,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,………

March 14, 2010 ang araw na sinabi ko sa sarili kong “oo”.,.,.,.,,.kanino? siyempre sa Diyos..,., Siguro matapos ninyo mabasa ito,, masasabi ninyong ang corny naman nito.,. ang babaw naman nito.,, pero para sa isang kabataang katulad ko..,.isa itong  hindi birong pangyayari at desisyon na paninindigan ko at pinaninindigan ko hanggang ngayon… dahil ito ang araw nang ako’y maihalal sampu ng aking mga kasama upang manguna at mamuno sa paglalakbay ng mga kabataan sa aming parokya. Bakit ko nasabing hindi ko makakalimutan ang araw na ito.???

Halina’t hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang  simpleng karanasan kasama ang mga kabataan ng aming parokya. Ang maihayag ko sa inyo kung paanong sa simpleng pagkakataon ay gumawa ang Diyos ng paraan upang ang mga bagay na hindi natin ginugusto ay magiging bagay na ating ika-iingat-ingatan ngayon.

Nagsimula akong maglingkod sa aming parokya sa edad na walo sa pamamagitan ng pagsali ko sa Ministry of Altar Servers.. Mula ng ako’y maging sakristan, kami ay namulat na sa mga bagay na umiikot lamang sa aming grupo,, hindi pa lingid sa aking kaalaman na mayroon pa lang youth ministry ang bawat parokya. Hanggang sa dumating ang panahon na ako’y naging isang “kuya”  at nang lumaon ay naging isang officer ng aming grupo. Sa loob ng 10 taon,, minsan lang at pag sinisipag pa ay hindi ako nag-iinvolve sa mga gawain ng youth ministry…. Sa totoo lang,,,, iba ang aming tingin sa youth ministry noong mga nagdaang panahon, dahil na rin siguro sa aming mga nakikita, sa mga naipamulat sa amin ng mga dating “kuya” at animators, sa klase ng pamunuang meron ang youth ministry…Minsan pa nga’y dumarating ang pagkakataon na nagkakaroon ng hindi magandang  pag-uunawan ang parehong grupo dahil na rin siguro sa mga ilang rason tulad ng pagtanggi namin na  sumama at sumali sa mga gawain ng nila at dahil hindi namin matanggap-tanggap na ang aming grupo ay kabilang sa grupong pangkabataan subalit ang katotohan nga nama’y kami ay mga kabataan din., Noong mga panahong iyon ay hindi namin lubos maintindihan ang ibig sabihin ng Parish Youth Ministry…..hanggang sa dumating ang pagkakataon na unti-unti naming nalalaman at naiintindihan kung bakit mayroong youth ministry sa aming parokya. .. Paano ko nasabi iyon???????????????????????

Simple lang,., ang hayaang imulat ang aming sarili sa mga kabataang katulad namin. Kasama ang aking kasamang officer sa altar server, sinimulan naming mainvolve sa gawaing pangkabataan. Kung aking naaalala ay nagsimula ito sa isang “amazing youth challenge” na sinundan pagkalipas lang ng ilang buwan ng “Youth Jam” na kung saan ang aming grupo ay naging isa sa mga abala upang maisakatuparan ang mga gawaing ito. Mahirap sa umpisa, syempre kailangan din naming makiramdam, at pakisamahan ang mga lider kabataan na minsan din naming nakasagutan sa mga miting at pagtitipon..Dagdagan pa ang katotohanang “virgin” pa kami sa ganitong mga gawain. Ngunit pagkatapos ng mga nasabing gawain ay naramdaman ko ang saya pala ng mga ganitong aktibidad,, yung “fulfillment” ba na maitatawag para sa simpleng mga kabataang katulad namin,, lalo pa yung mga pagkakataong magkakasama kayo ng kapwa mo kabataan na nagpapakahirap ngunit masayang gumagalaw para sa iisang layuning ang makikinabang naman ay ang mas marami pang mga kabataan. Napag isip-isip ko tuloy na simple lang ang mga ito pero isa ito sa paraan ng mga kabataan upang makapaglingkod sa Diyos at sa Simbahan,,,,,, ang magbigay at magbahagi ng talento at kakayahan sa bawat isa.

Yun na nga,,,, March 14, 2010,,,, pero bago ang petsang iyan ay ilang pagninilay rin ang aking aming ginawa para sa desisyong alam naming ikaiinis at ikagagalit namin. Sinabi ko pa nga sa aking sarili na para ko na ring inuntog ang ulo ko sa pader pag sumama ako sa youth council…..Ngunit bago iyan ay ilang pagtatanung -tanong ang aking ginawa kahit ang aming sarili’y napagtanungan na rin namin kung “oo” ba o “hindi”,, , hanggang sa dumating ang punto na isang di makakalimutang tao at kaibigan ang nagsabi at nagpamulat sa amin na kami daw ay masyadong bilib sa aming mga sarili dahil sa ganda at tagumpay ng aming grupong kinabibilangan ngunit hindi ganap dahil hindi kami marunong magbahagi at magbigay ng kung anung mayroon kami,,dahil nung mga panahong iyon ay natanim sa aming isipan na kailangan kami ng youth ministry para maging lider dahil na rin sa nakikita nila sa aming grupo ngunit mali pala kami ng aming akala dahil ang katotohana’y  hindi kami kailangan ng youth ministry,, bagkus kami ang may kailangan sa youth ministry dahil aminin natin at sa hindi,,, na kami ay kabilang sa kanila at sila ay kabilang sa amin,, ang magbahagi sa kabataan ay pagbabahagi rin kay Kristo at ang pagbabahagi at pagbibigay naman ng mga kabataan sa amin ay ang pagbabahagi rin ni Kristo sa amin.,.,,   Kasama ang aking presidente sa altar server na si thoni, pareho naming pinagdesisyunan ang mga bagay na ito. Ang sumali at maging kinatawan ng aming grupo sa gaganaping eleksiyon ng Parish Youth Ministry.……

Nangyari na nga ang dapat mangyari.,., March 14, 2010, Linggo ng kami’y mahalal bilang bagong kasapi ng Parish Youth Council.. ako at si thoni ay nahalal bilang bise presidente external at internal ng youth ministry,, sampu ng aming kasama sa bagong pamunuan ng youth council ay masaya naming tinanggap hindi lang ang posisyon bagkus higit sa lahat ang responsibilidad na aming gagawin at paninindigan,,,,,, ang maging halimbawa at mabuting ehemplo sa kapwa namin kabataan.

Sa umpisa’y masaya ang aming pakiramdam ngunit isa-isang dumating ang mga pagsubok tulad na lang ng pag alis ng aming Youth Minister na noo’y si Reb. Del Ronquillo MS. sa kadahilanang naiba na ang kanyang assignment. Mahirap tanggapin syempre lalo na sa mga bagong council member na kagaya ko dahil mawawalan agad kamin  ng pastol,.,. Ngunit alam naming kalooban ito ng Diyos upang tumatag kami sa pagsasamahan bilang isang kabataang ang pinanggalingan ay iba-iba,,,,, iba-iba dahil ang iba sa amin ay miyembro ng choir, sakristan, savio, at yung iba pa nga ay nakita lang sa tabi-tabi.., pero ang galing ni Lord dahil nakuha agad namin ang loob ng bawat isa.,.,.

Simula na ng mga gawaing ang intensyon ay para sa paglago ng buhay-kabataan,,., nandiyan ang “summer sportsfest”, Dyorni module, youth masses at gatherings, general assembly, marian exhibit,, panunuluyan, youth jam, eco-camp, at iba pang mga gawain tulad ng paglahok sa mga archdiocesan gatherings,. matapos ang ganitong gawain ay napagtanto ko na hindi pa pala sapat ang mga ito upang makuha namin ang aming inaasam,,, ang paglago namin bilang kabataan..,parang may kulang pa rin.,,., ngunit hindi lang pala ito ang aking/aming poproblemahin.,.,………. Sa paglalakbay namin bilang mga lider-kabataan ay samu’t saring suliranin rin ang aming tinanggap.,., gaya ng mga nagdaang pamunuan,,  unang una na nga ang mga batikos mula sa iba,,,nakakatuwang isipin na noon,, kami ang unang bumabatikos sa kanila pero ngayon kami na ang binabatikos …………,.,.,panghihina ng aming kapwa kabataan upang ipagpatuloy ang paglilingkod,, lalong lalo na ang mga kapwa ko lider-kabataan na sumukong bitiwan ang responsibilidad na kanilang tinangap isang taon na ang nakalilipas.,.,.,hindi naman namin magawang magalit dahil karapatan nila iyon at iyon ang nais nila.,,kakulangan sa mga oras at panahon ng bawat isa,.,.maikling pasensya at higit sa lahat ay ang immaturity  ng iba.,,.,., Sa totoo lang ay nagugulat ako sa mga nangyayari at hindi ko pa rin lubusang matanggap na kailangan naming harapin ang mga ganitong bagay dahil na rin siguro sa nasanay ako sa grupong pinaggalingan ko na lahat kami ay matured.,., Mahirap kung sa mahirap talaga ang manguna sa isa sa pinakamalaking sektor ng simbahan,,, ang mga kabataan.,, iba-iba ang pinanggalingan, iba-iba ang ugali, iba-iba ang pananaw at prinsipyo sa buhay…. Ngunit hindi kami sumuko at unti unti naming tinanggap at pinag aralan ang realidad na dapat naming tanggapin ang hamon sa amin ng aming noo’y kura paroko na palaguin at palakasin ang buhay-kabataan ng parokya…

Sa kabila ng mga suliranin at mga hamong aming tinatahak, masasabi kong napakasuwerte ko at nabigyan ako ng pagkakataong mapabilang sa mga kabataan ng parokya… May mga bagay man na naging suliranin,,,,mayroon rin namang mga bagay na nakapagpatatag at nakapagpalago ng aming samahan at mga sarili ,.,,, May mga pagkakataong hindi na namin kaya,,,, may mga panahon din namang nakikita namin na may ihihigit pa pala,., May mga panahong ang mga kapwa lider namin ay ayaw na.,, may mga panahon rin namang masasabi naming gusto ko pa pala.,., May panahon ng inis, galit at iyakan ngunit mas marami ang panahon ng kasayahan at ngitian.,.dahil iba-iba man ang aming mga pinagkakaabalahan at kakayahan ,,ay sama-sama at iisang paglilingkod naman ang aming ginagawa,,,, Sabi nga sa isang kanta,.,,. “ang sarap ng feeling diba pag tayo’y sama-sama”.,.,

Minsan sa buhay natin,.,., ang bagay na kinaaayawan natin ay yun pa ang mga bagay na iingatan natin,.,God moves in a mysterious way because sometimes those things that we really hate are the same things that we will love and those things are called “passion”. at sa ganitong paraan, gumalaw ang Diyos ng di natin inaasahan.,.,.,.,.,,.,.,.,.,

Hindi birong Dyorni.,,,,,,,,,,,….

Noong nakaraang Mayo 16 hanggang 22 kasama ang mga kabataan ng Parokya ng Sto. Nino de Tondo,, kami ay dumalo sa isang Youth Camp na hindi namin makakalimutan ang saya at kahalagahang dulot nito sa buhay namin bilang isang kabataan….

Baracas Youth Camp,,, ang tawag sa pagtitipon ng mga kabataan ng rehiyong Bicol…. Baracas ay mula sa mga pangalan ng mga lugar ng BAtan, RApu-rapu, CAgraray at San Miguel. Ang salitang ito ay isa ring salitang Bicolano na ang ibig sabihin ay pagsasama at pagsasaya. Ang Baracas Youth Ministry ay itinatag ni Rev. Fr. Tirso “Choi” Gliponeo, SOLT  kasama ang mga paring SOLT noong 2002.

Paano nasali ang mga kabataan ng Tundo sa Baracas Youth Camp gayong ang nasabing camp ay para sa mga kabataan ng rehiyong Bicol????

Siguro masasabi kong mapalad kami dahil kami ay naanyayahan na sumaksi at makiisa sa ginanap na Baracas Youth Camp sa Bayan ng Claveria sa Isla ng Burias, Masbate. Noong sinabi ni Fr. Choi, SOLT, ang aming Youth Minister sa Sto. Nino de Tondo, at siya ring paring tagapangalaga ng Baracas Youth Ministry na kami ay pupunta sa Masbate para sa isang Youth Camp, lahat kami ay excited at atat na atat na magimpake dahil lahat sa amin ay first time na pupunta sa Masbate. Ngunit ang katotohanan ay,,,,, saan kami kukuha ng badyet para makapunta ang mga kabataan sa Masbate?? lakip ang katotohanang kami ay mamamasahe sa jeep, sa bus, sa tricycle, at sa bangka… At dito,,,,,,, dito ko nasabing hindi birong Dyorni ang aming tatahakin.

Nangyari na nga ang dapat mangyari, sa awa at tulong ng Diyos, at sa pamamagitan ni Fr. Choi ay naisakatuparan namin ang pagpapadala ng mga kabataan sa Isla ng Burias. Ilang meetings at planning ang aming ginawa para sa aktibidad na ito dahil kahit kami mismo sa Youth Council ay may pangamba at takot na bumiyahe sa lugar na ni-isa sa amin ay hindi pa nakapupunta.  Mayo 14, 2011, Sabado, ang aming final orientation para sa mga kasali sa Baracas Youth Camp,,dito tinalakay ang lahat ng mga dapat gawin at dalhin sa nasabing camping.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng mga kabataan, ang araw ng kanilang pag-alis, bitbit ang aming pagaalinlangan, nakita namin sa kanilang mga mukha ang excitement sa kanilang pagbiyahe ng mahigit 12 oras. Kami naman na naiwan sa Tundo ay nagpatuloy sa kaniya-kaniyang gawain at sumunod na lamang tatlong araw makalipas ang pag-alis ng mga kabataan sa Tundo. Sa biyahe, naramdaman ko ang pagkabagot, antok, pagod at kaisipang nais ko na lamang bumalik sa Maynila ulit dahil sa layo ng aming biyahe kasabay pa nito ang uri ng bus na aming sinakyan. Umaga na nang kami’y makarating sa bayan ng Ligao sa Albay, sa umpisa, akala ko’y malapit na ang aming destinasyon ngunit napagtanto ko nang sumakay kami ng jeepney patungong bayan ng Pio Duran kung saan naghihintay sa amin ang bangkang aming sasakyan patungong Claveria, ay mahigit sa isang oras pa pala ang aming paglalakbay, sabi sa amin ng isang pasaherong aming nakasabay, naku hindi na kayo aabot sa alis ng bangka sa pier dahil alas nuebe umaalis ang bangka, bukas na ulit ang balik nun”………. Hindi nga nagkamali ang Ale at nagdilang anghel ito nang pagdating namin sa Pier ay kakaalis lang ng bangkang patungong Claveria. Sabayan pa ng aming gutom at malalagkit na katawan ang inis na idinulot nito sa amin. Mabuti na lang at ang aming last minute savior na si Fr. Choi ay nagpadala ng bangka upang kami ay sunduin sa Pio Duran. Sa umpisa’y takot ang aming naramdaman nang aming makita ang bangka dahil sa liit nito sabayan pa  ang katotohanang wala kaming life vest na isusuot. Magtatanghaling tapat nang kami’y magsimulang maglayag patungong Claveria. Maganda ang lugar, tahimik ang dagat at magaganda ang tanawin. Sa kasamaang palad, ako ay nakapuwesto sa bandang likuran ng bangka kung saan nakalagay rin ang tambutso ng motor, sa loob ng halos dalawang oras ay tiniis ko ang usok at init na ibinubuga ng tambutso kasabay pa ang init ng panahon sa tanghaling tapat makarating lang sa isla.

Pagdating ng aming bangka sa daungan ng Claveria, inakala kong malayo pa ang lugar na pinagdadausan ng camp ngunit ang bait ni Lord, sa tabing eskuwelahan lang pala ang lugar-dausan ng aktibidad. Nang makita namin ang aming delegation ay nawala ang aming pagod dahil salamat sa Diyos at maayos ang kanilang kalagayan.

Simula nang araw na iyon ay nakilahok na kami sa mga gawain sa camp gaya ng pagdiriwang ng banal na misa, pagsuporta sa mga kalahok ng Mr and Ms. Baracas 2011, Baracas Pop Idol, Tree Planting, Laro ng Lahi, Santakrusan, Pista sa Nayon at Bareylehan. Marami pang mga gawain ang ginanap sa Baracas Youth Camp ngunit ang inyong mga nabasa ay yaong aking naabutan na lamang pagdating namin sa Isla. Masasabi kong worth it ang aming delegation sa camp dahil karamihan sa mga gantimpala at awards ay aming nakuha tulad na lamang ng Ms. Baracas 2011, Mr. Baracas (1st runner-up), Baracas Pop Idol (Champion), Games of the Generals (Champion), Maria Went to Town (Champion), Mass Demonstration (champion), Reyna Elena 2011, Sultan at Sultana sa Santakrusan, Best in Filipiniana Attire at Cultural Presentation (champion)……………………..Ngunit sa kasamaang palad, ay hindi namin naiuwi ang mga tropeo dahil sa literal na naiwanan ang mga ito sa isla nang kami’y umalis sa Claveria.

maria went to town

Mr. Baracas 1st runner-up and Ms. Baracas 2011

Sultan at Sultana together with Mr and Ms Baracas 2011

Baracas Santakrusan 2011

Dumating na ang pinakhihintay ng lahat ang Pista sa Nayon at Bareylehan,, natural kaya siya hinihintay ng lahat ay dahil sa mga malapiyestang pagkain at salo-salo kasabay ng mga sayawan at kasayahan. Kumbaga sa Maynila it’s party time!!! hehhehe. Yun na rin ang huling gabi ng aming pananatili sa Isla, at iyon na rin ang panahon kung saan kinakailangan nang magpaalam sa mga naging kaibigan, nakatawanan, nakakuwentuhan at naka-dyorni namin. Gayundin sa mga taong nagsilbing mga magulang namin, sa mga nag-alaga at kumalinga sa loob ng isang linggong pamamalagi namin sa Isla ng Burias.  Halos lumalalim na ang gabi at kinakailangan na namin magpahinga dahil ang aming alis sa Isla ay alas singko y media ng umaga at dahil sa takot naming maiwanan muli ng bangka ay nagpasya na kaming huwag tapusin ang bereylehan bagkus tumuloy na lamang kami sa bahay ng aming mga foster parents. Doon kinuha namin ang pagkakataong magpasalamat sa kanilang mabubuting gawa sa amin. Hindi namin sila makakalimutan at kung may pagkakataong kami’y makabalik sa Claveria ay sila ang aming unang pupuntahan.

during the Pista sa Nayon

Sto. Nino delegation with foster parents

Dumating na ang araw ng aming pag-alis,, magkahalong lungkot at saya ang aming nararamdaman dahil sa wakas makakabalik na rin ng Maynila, malungkot dahil sa mga alaala na maiiwan namin sa Claveria, walang nakakaalam sa amin kung makakabalik pa ba kami o hindi na sa isla. Basta ang tanging baon lang namin ay ang mga alaala at mga aral na napulot mula sa mga nag-talk, aktibidad, at sa mga kapwa kabataan na nagbigay inspirasyon upang patuloy kaming maglingkod at magbahagi ng aming mga kakayahan sa kapwa namin kabataan. Gayundin din ang aming pasasalamat sa mga nagorganisa at nanguna upang maging makabuluhan ang programang ito. Maraming Salamat sa inyo hanggang sa muli nating pagkikita-kita hindi man sa Claveria, sana dito sa Maynila at buong galak namin kayong tatanggapin dito sa aming parokya.

Umagang umaga ng Linggo nang kami’y umalis sa Isla ng Burias at simula alas nuebe ng umaga hanggang sa hatinggabi ng araw ding iyon kami ay bumiyahe pabalik ng Maynila. Bakas sa aming mga mukha ang pagod ngunit masayang paglalakbay sa loob ng isang linggo.  Sobrang layo man ng aming ibiniyahe, sobra rin nman ang aming natutunan. Kahit mayroong mga problema bago at habang umuusad ang Baracas Youth Camp, mayroon rin namang mga kasagutang aming nalaman. Kaya nga tulad ng nasabi sa unahan ng blog na ito, hindi birong dyorni ang aming tinahak……………………..

Si Hesus, Buhay na Buhay sa Banal na Sakramento…….

Naniniwala ka ba na si Hesus ay kasama natin sa pagdiriwang ng banal na Eukaristiya?

Kung hindi,,, halika’t tunghayan natin ang isa sa pinakadakilang himala ng Eukaristiya sa kasaysayan. Nawa’y makatulong ito sa pagpapalalim ng iyong pananampalataya at makumbinsi kita na maniwala na si Hesus ay buhay na buhay sa Banal na Sakramento.

Bago ang lahat alamin muna natin kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang Eukaristiya. 

Ang salitang Eukaristiya ay nagmula sa salitang griyego na “Eucharistia” na ang ibig sabihin ay pagbibigay salamat. Ang Banal na Eukaristiya ay isa sa mga pitong sakramento. Ito ang pag-aalala sa huling hapunan ng ating Panginoon kung saan ginawa niyang kanyang dugo ang alak at kanyang katawan naman ang tinapay. Sa madaling salita, ang Banal na Eukaristiya ay ang tinatawag din nating banal na misa.Ngunit ano nga ba ang kahalagahan nito sa buhay nating mga Kristiyano?

Ang banal na Eukaristiya o banal na misa ay ang pinakamataas na antas na uri ng panalangin ng mga katoliko dahil sa banal na eukaristiya nagaganap ang pinakadakilang himala,,,, ang pagiging tunay na katawan at dugo ni Hesus sa anyo ng tinapay at alak. Dito natin tinatanggap si Hesus (katawan at Dugo) sa anyo ng tinapay at alak.

Sa ating Ebanghelyo, isinasalaysay ang tungkol sa libu-libong nagugutom na taong sumusunod kay Kristo. Sa halip na paali­sin Niya ang mga tao, pinakain Niya sila sa pamamagitan ng pagpaparami sa tinapay at isda.(Lk 9:11-17). Labis ang pagmamalasakit na ipinakita ni Hesus para sa mga tao. Nakibahagi at nakiisa siya sa kanila sa pamamagitan ng mahimalang pagpapakain Niya sa kanila. Ang pangyayaring ito ay binigyang kahulugan ng mga ebanghelista at ng Simbahan bilang simbolo ng pagkaing pangkaluluwa — ang Eukaristiya.
Sa Banal na Misa, naniniwala tayong ang tinapay at alak ay nagiging katawan at dugo ni Kristo, ngunit nananatili sila sa anyo ng tinapay at alak at ito ay tinatawag na “Transubstantiation”. Sinisikap itong ipaliwanag ng konseptong ito ngunit hindi nito layong magbigay ng katibayan. Kaila­ngan nating makakita sa pamamagitan ng pananampalataya upang mas maunawaan natin ito.
Sa pamamagitan ng Eukaristiya, ninais ni Kristo na ma­natiling kasama natin siya ng personal — hindi lamang upang Siya’y ating alalahanin. Ito ang tinatawag na “real presence” ni Kristo sa Eukaristiya.
Sinabi ni Hesus, “Sinumang kumain ng aking katawan at uminom ng aking dugo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bibigyang-buhay ko siya sa huling araw.”(Jn 6:54)
Nakakalungkot lamang isipin na may mga taong araw-araw dumadalo sa misa at tumatangap ng komunyon ngunit hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan nito. Iniisip nilang mas magiging mabuting tao sila kapag napapalapit sa Diyos sa pamamagitan nito. Ngunit ang totoo’y wala silang pakialam sa kanilang kapwa at namumuhay sila ng labag sa kalooban ng Diyos. Walang bisa ang pagtanggap ng komunyon ayon sa ritwal lamang. Nagkakaroon lamang ito ng bisa kung isinasabuhay ng taong tumanggap nito ang gras­yang ipinagkakaloob nito.

Halina’t alamin at patunayan natin ang himalang nangyari sa Lanciano, Italy.

Ang bayan ng Lanciano ay matatagpuan sa bansang Italya. Noong ikawalong dantaon (800 A.D) isang paring monghe na kabilang sa kongregasyon ni San Basilio ang nagmimisa noon sa monasteryong itinayo sa alaala ni San Longhino. Di nabanggit ang ngalan ng pari ngunit ayon sa kasaysayan, siya’y napakarunong tungkol sa iba’t ibang agham na makalupa, subalit dahop naman ang kaalaman tungkol sa Diyos. Dahil sa kakulangan niya ng pananampalataya ay naganap ang isang himala sa sandali ng konsagrasyon (trunsubstantiation) o sa pagpapalit ng kalikasan ng tinapay at alak sa pagiging tunay na katawan at dugo ng Panginoong Hesus. Diumano, habang binibigkas  ng pari o monghe ang pangungusap na ginamit ni Hesus sa Huling Hapunan, nakita niyang biglang naging tunay na Laman ang Ostiya at naging tunay na Dugo ang alak sa kalis.

Natulala sa pangyayari, ngunit nang balikan ng wastong malay ang paring nabanggit ay magkahalong galak at iyak na tinawag ang mga taong nasa loob ng simbahan at sinabi: “Halikayo, mapapalad na saksi, masdan ninyo ang ginawang himala ng Diyos upang pawiin ang alinlangan ko sa Kanya! Halina’t kausapin natin siya ng malapitan! masdan ninyo ang tunay na Katawan at Dugo ng ating Mahal na Panginoon!”  Sumugod sa altar ang buong kongregasyon at nang kumalat ang balita tungkol sa kanilang nakita ay humugos din ang taumbayan sa simbahan, kung saan ang bawat nakasaksi sa kamangha-manghang himala ay buong paggalang at pananalig na sumamba sa Diyos.

Ang nasabing Ostiya na naging tunay na Laman ni Kristo ay nanatili sa gayong anyo hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngunit ang Dugo na nasa kalis, makaraan ang ilang panahon ay namuo sa limang magkakaibang laki at hugis, at nakapgtataka na nang timbangin ay magkakasimbigat ang bawat isa, at ang isa ay kasimbigat ng apat na piraso, saka ang dalawa simbigat din ng tatlo (na para bang nais sabihin na sa maliit at malaking bahagi ng Ostiya o kahit sa kakapatak ng Dugo ay iisang buong Kristo ang nakalakip)

Maraming pagkakataong sinuri ang mga katotohanang nakapaloob sa himalang ito. Ang pinakasiyentipiko at buung-buo ay ginanap at ipinaalam nong Marso 4, 1971 sa nagkakatipong mga pinuno ng mga dalubhasa’t siyentipiko ng Simbahan. Pinatunayan ni Dr. Odoardo Linoli, propesor sa anatomy at pathological histology, kimika at Clinical microscopy sa nagkakaisang ospital sa Arezzo, at Dr. Ruggero Bertilli, propesor emeritus ng normal human anatomy sa Unibersidad ng Siena, gayundin nina Padre Bruno Luciani at Prof. Urbano sa ospital ng Lanciano ang katotohanan ng mga sumusunod na natuklasan nila”

” ang Ostiyang naging tunay na laman ay buhat sa gilid ng puso (heart wall) at walang halong gamot para di mabulok (without preservative agents). Ang nasabing Laman at Dugo ay nanggaling sa tao, hindi sa hayop at magkauri ng dugo – type AB. Pinatunayan din na taglay ng Lamang iyon ang minerals na chlorides, phosphorus, magnesium, potassium at konting sodium at maraming calcium. Ganito rin ang natuklasan sa dugo na may kasamang protinang sindami ng matatagpuan sa sariwang dugo ng tao”

Ang Ostensorium na kinalalagyan ng naghimalang Ostiya na naging tunay na Laman at ang konsagradong Alak na naging tunay na Dugo noong ika-8 dantao. Ang reliquary ay ginawa noong 1713 ngunit ang kalis ay ang mismong ginamit nang maganap ang himala.

Ngayong nalaman natin ang isa sa mga dakilang himala ng Diyos sa Eukaristiya. Kailangan pa ba nating matulad sa mongha na nag alangan sa tunay na presensya ng Diyos sa Banal na Misa para lang tayo ay maniwala at sumamba? o tulad ni Tomas sa Ebanghelyo na hindi naniniwalang ang ating Panginoon ay muling nabuhay hangga’t hindi niya naipapasok ang kaniyang mga daliri at kamay sa kaniyang mga sugat?

Ika nga sa isang kasabihan na “to see is to believe”. Kailangan ba natin ng isang himala upang tayo ay maniwala? Winika ni Hesus kay Tomas, “Is it because you have seen me that you have believed?” ..,…,. “Blessed are they who have not seen, and yet have believed!” Jn 20:29

Kapatid,,,, huwag ka ng mag-alangan, maniwala ka na.,,..,,,.,.,